Hindi naman talaga mataas ang pride ko eh . Isang sorry mo nga lang
lumalambot na yung puso ko . Tuwing kinakausap mo ako gusto kong sabihin
na ‘sige bati na tayo’ . Pero hindi kasi ganun kadali magpatawad eh.
Lalo na kapag sobrang nasaktan. Nasaktan mo kasi ako eh, sobra mo akong
nasaktan. Yung tipong parang buong pagkatao ko gusto ko na lang ipalamon
sa lupa. Yung gusto ko na lang biglang mawala. Ang sakit kasi , akala
ko nagbago ka na. Akala ko tutuparin mo na lahat ng mga pinangako mo.
Akala ko ayos na yung lahat , na wala ng harang . Pero ayun pala akala
ko lang. Tama nga sila , Lahat ng akala nagiging mali . Kaya pasensya na
lang kung hindi pa kita kayang patawadin . Masakit pa rin kasi hanggang
ngayon, siguro dadating din yung tamang panahon na kaya na kitang
patawadin at kaya ko na ulit ibigay yung tiwala ko sa’yo.
No comments:
Post a Comment