Tuesday, August 5, 2014

Mahal


Ang sakit malaman na hindi ka na niya mahal pero mas masakit malaman at tanggapin na may mahal na siyang iba. Mapapatanong ka na lang sa sarili mo ng “San ba ako nag kulang?”, “Hindi pa ba sapat?”, “Wala na bang chance na mabalik yung pag mamahal niya sa akin?” Napaka dami mong tanong pero isa lang ang alam mo at yun nga ay ang hindi na ikaw ang taong mahal niya. Mahirap man tanggapin pero siguro nga wala ka nang magagawa pa para baguhin ang nararamdaman niya. Sobrang sakit lang din talagang tanggapin na masaya na siya sa piling ng iba at hindi na ikaw yung dahilan ng bawat ngiti niya. Masakit din dahil alam mong lungkot na lungkot ka samantalang siya masaya. Ganun nga talaga minsan. Magugulat ka na lang isang araw hindi na siya masaya sa kung anung meron kayo. Maaaring may pag kukulang ka din sa kanya na ibang tao ang nag bigay sa kanya. Kung sana lang pwede mong ibalik ang lahat, ayusin lahat ng gusot at bumawi sa lahat ng pag kukulang mo ginawa mo na kaso wala eh hanggang dun na lang talaga. Mahirap at masakit pero sabi nga nila kung para sayo talaga siya babalik at babalik siya sa piling mo. Kung hindi naman, sadyang may iba taong nakalaan para sayo.

No comments: